Martes, Disyembre 6, 2011
Thought 6
Kapag mahal mo daw yung isang tao, lahat kakayanin mo. Lahat titiisin mo. Kahit anong hirap pa at sakit ang dadanasin mo, hindi ka dapat sumuko. Pero para sa akin, gagawin ko lang yun kapag yung taong punaglalaban ko, iniiyakan ko, yung taong ayaw kong mawala ay ganoon rin ang ginagawa para sa akin. Kasi useless lang rin naman eh kapag laban ako ng laban, yun pala matagal na akong talo. Matagal ng sumuko ang pinaglalaban ko. Pano ko siya hahawakan kung matagal na niya akong binitiwan? Iiyak ako ng iiyak tapos siya pala, masaya na. Oo, sabihin nating mahal ko siya, ngunit kahit gaano ko pa siya siguro kamahal, kung hindi nya naman ako mahal, tama na!! Sobra na!! Dapat na rin akong bumitaw. dapat ko ring isipin ang sarili ko. Kaya kong magpakabayani, pero di ko kayang magpakatanga!
Thought 5
Sabi nila, 'pag nasakatan ka na, 'pag nahihirapan sa inyong relasyon, 'pag palagi ka na lang umiiyak, then it's time for you to let go. Pero hindi naman ganoon kadali yun eh. At depende rin yan sa kung anong sitwasyon meron ka. Sige, pagpalagay natin na nahihirapan ka at palaging umiiyak because complicated yung sitwasyon nyo, pero dapat ba agad gumive-up ka? What if hindi lang pala ikaw yung nahihirapan, what if yung kapareha mo rin. Pero siya lumalaban, pinaglalaban ka, hindi sumusuko. Diba dapat ikaw rin? Diba dapat huwag mo siyang iwanan. Relasyon yan eh, hindi pwedeng isa lang. Dalawa kayong pumasok diyan. Dapat sabay rin kayong humarap sa mga pagsubok. Huwag kang maging makasarili! Porket di ka na masay, porket nahihirapan ka at nasasaktan, bibitaw ka na lang. IIwan mo yung taong ipinaglalaban ka, 'yung tiniis lahat para sa'yo. Unfair naman yun diba? Dapat kung susuko ka, sabay kayo! huwag puro sarili mo iniisip mo!
Sabado, Disyembre 3, 2011
Thought 4
Sabi nila, lahat tayo, tao lang, nagkakamali din. Pero tama ba na gawing rason iyan? Porket tao ka, di perpekto, okay lang na magkasala ka? Para sa akin, hindi! Hindi pwedeng gawing batayan iyan. Okay lang siguro kapag unang beses. Pero 'pag pangalawa, pngatlo, tapos iyan pa rin ang rason? Nonsense!!Naglolokohan lang tayo pa'g ganun. Once is enough para matuto ka, para magbago at maging mas mabuting tao. Isang pagkakamali lang ang kailangan mo para malaman mo na mali iyan, na di na dapat ulitin pa. Hindi totoo na "once is enough for a wise man". Kasi kahit bobo ka, kung marunong kang makiramdam at makaintindi, "once is enough" rin para sa iyuo.
Thought 3
Minsan, 'pag may mga taong pag may dumadating sa buhay nila, sobra silang naatach dito. Yun bang halos dito na umiikot ang kanilang mundo. Lahat ng ginagawa nila, involve ung taong yun; mga plano, mga kwento. Tapos, minsan sinasabi ng iba, nagpapakatanga na daw, na masama daw ang ganun, na dapat wag lahat ibibgay. Pero para sa akin, bilib ako sa mga taong ganyan lalo na kapag may mga pangako sila. Kasi it simply means tinutupad nila ung mga promises nila like "forever", "walang iwanan". Kasi ano ang use ng mga pangakong iyan kung di ka naman gagawa ng paraan para matupad daiba? Minsan nga, mas okay pa yung walang salitang binibitawan pero pinapakita nila na they will be always there for you, no matter what. As long as both kayo gumagawa ng mga bagay na iyan, pagpatuloy mo. pero pag one-sided lang, tsk, ibang usapan na yan!!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)