Martes, Disyembre 6, 2011

Thought 6

     Kapag mahal mo daw yung isang tao, lahat kakayanin mo. Lahat titiisin mo. Kahit anong hirap pa at sakit ang dadanasin mo, hindi ka dapat sumuko. Pero para sa akin, gagawin ko lang yun kapag yung taong punaglalaban ko, iniiyakan ko, yung taong ayaw kong mawala ay ganoon rin ang ginagawa para sa akin. Kasi useless lang rin naman eh kapag laban ako ng laban, yun pala matagal na akong talo. Matagal ng sumuko ang pinaglalaban ko. Pano ko siya hahawakan kung matagal na niya akong binitiwan? Iiyak ako ng iiyak tapos siya pala, masaya na. Oo, sabihin nating mahal ko siya, ngunit kahit gaano ko pa siya siguro kamahal, kung hindi nya naman ako mahal, tama na!! Sobra na!! Dapat na rin akong bumitaw. dapat ko ring isipin ang sarili ko. Kaya kong magpakabayani, pero di ko kayang magpakatanga!

Thought 5

     Sabi nila, 'pag nasakatan ka na, 'pag nahihirapan sa inyong relasyon, 'pag palagi ka na lang umiiyak, then it's time for you to let go. Pero hindi naman ganoon kadali yun eh. At depende rin yan sa kung anong sitwasyon meron ka. Sige, pagpalagay natin na nahihirapan ka at palaging umiiyak because complicated yung sitwasyon nyo, pero dapat ba agad gumive-up ka? What if hindi lang pala ikaw yung nahihirapan, what if yung kapareha mo rin. Pero siya lumalaban, pinaglalaban ka, hindi sumusuko. Diba dapat ikaw rin? Diba dapat huwag mo siyang iwanan. Relasyon yan eh, hindi pwedeng isa lang. Dalawa kayong pumasok diyan. Dapat sabay rin kayong humarap sa mga pagsubok. Huwag kang maging makasarili! Porket di ka na masay, porket nahihirapan ka at nasasaktan, bibitaw ka na lang. IIwan mo yung taong ipinaglalaban ka, 'yung tiniis lahat para sa'yo. Unfair naman yun diba? Dapat kung susuko ka, sabay kayo! huwag puro sarili mo iniisip mo!

Sabado, Disyembre 3, 2011

Thought 4

     Sabi nila, lahat tayo, tao lang, nagkakamali din. Pero tama ba na gawing rason iyan? Porket tao ka, di perpekto, okay lang na magkasala ka? Para sa akin, hindi! Hindi pwedeng gawing batayan iyan. Okay lang siguro kapag unang beses. Pero 'pag pangalawa, pngatlo, tapos iyan pa rin ang rason? Nonsense!!Naglolokohan lang tayo pa'g ganun. Once is enough para matuto ka, para magbago at maging mas mabuting tao. Isang pagkakamali lang ang kailangan mo para malaman mo na mali iyan, na di na dapat ulitin pa. Hindi totoo na "once is enough for a wise man". Kasi kahit bobo ka, kung marunong kang makiramdam at makaintindi, "once is enough" rin para sa iyuo.

Thought 3

     Minsan, 'pag may mga taong pag may dumadating sa buhay nila, sobra silang naatach dito. Yun bang halos dito na umiikot ang kanilang mundo. Lahat ng ginagawa nila, involve ung taong yun; mga plano, mga kwento. Tapos, minsan sinasabi ng iba, nagpapakatanga na daw, na masama daw ang ganun, na dapat wag lahat ibibgay. Pero para sa akin, bilib ako sa mga taong ganyan lalo na kapag may mga pangako sila. Kasi it simply means tinutupad nila ung mga promises nila like "forever", "walang iwanan". Kasi ano ang use ng mga pangakong iyan kung di ka naman gagawa ng paraan para matupad daiba? Minsan nga, mas okay pa yung walang salitang binibitawan pero pinapakita nila na they will be always there for you, no matter what. As long as both kayo gumagawa ng mga bagay na iyan, pagpatuloy mo. pero pag one-sided lang, tsk, ibang usapan na yan!!

Martes, Nobyembre 29, 2011

Thought 2

       Pretending to be happy even you're not is not fooling yourself. Rather, it is a way of showing how strong you are. And sometimes, even the weakest person forces to fake his smile simply because he knows it will be useless to show his sadness. Hindi dahil sa magmumukha siyang mahina or what pero dahil sa mapait na katotohanan na wala namang may pakialam kung malungkot o nasasaktan ka eh. Kahit yung taong pinkamalapit sa iyo ay di ka matutulungan. Ikaw lang ang makakatulong sa self mo. yeah, maybe they will be there to comfort you, listen to you, advise you, pero sa huli, ikaw pa rin ang magsosolve ng problema mo. Ang problema, di naman nawawala yan eh pag di ka gumawa ng paraan. hindi madadala yan sa pag-iyak, sa pagtago, sa pagtakbo. Kung alam mo kung ano ang nagpapasaya sa iyo, sige gawin mo. Pag alam mong malulungkot ka or masaktan ka dahil diyan, let go of it. kahit na yung mga bagay na dati nmagpapasaya sa iyo, as in masaya ka, pero ngayon. wala na, huwag kang magmukmok at umiyak. Ngumiti ka, magpasalamat na minsan naging masaya ka dahil ss bagay na iyon. Pero huwag kang tumigil, magpatuloy ka sa pagiging masaya. Kasi happiness is a choice! Isipin mo na okay ka. Be happy for what yopu have and had. Kasi magiging tunay ka lang na malungkot kapag pinili mo ito. Walang bagay na masama, walang nangyayari na malungkot, ikaw lang ang nag-iisip niyan. It's all in the mind!

Thought 1

           If life has taught me one lesson, it is that at the end, it will always be yourself. You alone and no one else! Yeah, you may say "nandiyan naman yung mga friends ah, yung family mo, so you're not reaaly alone". i agrre with that. you will be with them physically. but not mentally nor emotionally or other aspects. May buhay rin sila eh! Hindi naman pwedeng you will share everything with each other diba? Sa huli, tatahakin mo yung sarili mong landas. you will move forward. sa times na yun, you cannot expect someone to be always there for you, specially if they are also taking their own roads. Kaya dapat matuto kang maging independent, to be strong. Na dapat kakayanin mo lahat ng mga pagsubok even you're alone. kasi you're not doing everything naman para sa kanila eh. You're doing it for yourself. para sa kinabukasan mo! Kaya habang mas maaga, mas mabuti na you start to learn to stand on you own feet, kahit meron pang umaalalay sa iyo. Kasi sooner or later, hindi mo mamamalayan, ikaw nalang pala mag-isa yung naglalakad. yung iba, either lumiko, nauna sa iyo or behind you or baka tumigil na sa pagtahak ng buhay.